Greetings sir! Meron po kasing minana na lupa ang mother ko sa may Pildera, Naia. Ngayon po ay tatlo silang magkakapatid na nakapangalan sa titulo ng lupa at isinama po nila don sa titulo ang asawa ng isa pa nilang kapatid na nag-past away na. Ngayon po, ang mother ko at dalawa pa po niyang kapatid ay naninirahan sa ibang lugar/bansa. Ang nanirahan po ng matagal don ay yung hipag po nila. Ang hindi po nila alam ay pinag-sasanla na po pala nung hipag ng mother ko ang mga bahay don sa lupa. Akala po nung una ay pinapaupahan lang, yun po pala ay isinanla na. Wala naman pong pirma silang magkakapatid ngunit naisanla niya po iyon. Meron pong isang pinto na isinanla niya ng 50k. Meron naman pong isa na nakasanla ng 200k. At meron din pong isa pa na nakasanla ng 250k at napagkasunduan pa po nila nung pinagsanlaan na kapag hindi po nakapag-bayad ang hipag ng mother ko ay mapupunta na sa kanila(pinagsanlaan) ang lupa. Ngayon po ay umuwi ang mother ko from other country para lang po ayusin ang gulo na ginawa ng hipag niya. Nagpunta po siya sa city hall at siniguro na sa kanila pa rin magkakapatid nakapangalan ang lupa. Nagbayad rin po siya ng malaki sa amilyar. Ngayon po ay kinausap niya ng maayos yung pinagsanlaan na kung gusto po nila ay ibabawas nalang buwan-buwan ang isinanla sa kanila. Subalit ayaw po makipag-ayos nung mga pinagsanlaan.
May bisa po ba ang pagsasangla na iyon ng hipag ng mother ko kahit na wala naman pong pahintulot at pirma silang magkakapatid na nasa titulo? Kung sakali po na hindi na iyon mabayaran ng hipag ng mother ko (dahil tumakbo na po siya at naninirahan na daw po sa Quezon ngayon) ano po mangyayari sa mga bahay na isinanla niya? Pwede po ba sampahan ng kaso yung hipag ng mother ko dahil nagsanla po siya ng lupa ng walang pahintulot at pirma ng mga iba pang nakapangalan sa titulo?
Thank you po sa anomang advice, naaawa na po kasi ako sa mother ko na namomoblema sa hipag niya.
Maraming salamat po!
-Lenley