Magatatanong po sana ako regarding sa lupa namin ngayon. Di pa sya nakapangalan sa 3 magkakapatid at di pa natransfer ang titulo sa mga 3 anak. Namatay na po ang mayari ng lupa (lolo ko po). Isa sa anak yung tatay ko. Ang sabi ng tita ko, isa sa mga anak na pilit kaming pinapaalis, babayadan daw po kami para umalis na kami sa lupang tinitirhan namin.
Nagulat po kami kasi nabalitaan po namin na binebenta ang lupa at bahay ng walang consent ng daddy ko (isa sa mga anak ng may ari ng lupa). Baka po kasi pinadoktor yung titulo at yun ang kinakatakot namin.
1. Maari po bang maibenta yun ng walang consent ng magkakapatid?
2. At kung nabenta na sya, ano pong habol namin kung di kami magkasunod sa presyo ng pinagbentahan?
3. Maari po ba na maiwan sa amin yung share namin kung ayaw namin umalis?
4. Maari po ba kaming mag file na ihold yung title na di pwedeng ibenta unless may consent ng lahat ng anak kasi meron threat na ibenta at papalitan yung mayari ng bahay?
5. Mapapaalis po ba kami ng nakabili kung di kami sang ayon sa ginawa ng kapatid nya?
Masyado pong malakas ang kapit ng tita ko, kaya nga pong buhayin yung patay para lang maitransfer yung lupa sa mga magmamana.
Salamat po.
Michelle