Ito po ay lupang minana nilang 5 magkakapatid sa kanilang mga magulang sa bulacan, tig-170 sq m po ang bawat isa sa kanila. Hindi po ito nagawang patitulohan. Subalit nung isang buwan po ay sinikap ng mother ko na mabayaran ang amilyar ng lupa, naghati-hati sila at inabonohan ng mother ko ang iba para lamang umabot sa deadline ng amnesty.
Nangailangan po ng pera ang tita ko noong araw (1980s) na halos inaaraw araw nya ang pagkuha ng pera sa mother ko kung kaya nagdesisyunan ang tita ko na ang lupa na lamang nya (70 sq m) ang maging pambayad sa mga nautang nya. Ayos naman po ang kanilang paguusap noon at dahil kapatid naman nya, hindi na nya nagawang papirmahin.
Noong isang taon po ay ipinagamit ng mother ko sa pamangkin nya ang lupang iyon kung saan nag-manok ito. Nagalit po ang tita ko at ngayon ay itinatanggi nya na ipinambayad nya iyon sa mother ko at ang gustong mangyari ay bawiin iyon at kuhanin na lamang ang lupa ng tito ko.
Nagtataka po ako, bakit hindi na lamang sila ang lumugar doon at hayaan sa mother ko ang lupang kanyang ipinambayad noong araw? Bigyan nyo po sana kami ng payo sa lalong madaling panahon. May edad na rin po ang mother ko at ang pinsan ko pong anak ng tita ko ay iginigiit na nagpa-fabricate ng story ang mother ko. Tulungan po sana ninyo kami. Salamat po ng marami.