Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

paglipat ng titulo ng lupa na walang pahintulot

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

manlupig


Arresto Menor

kailangan ko po ng payo ninyo ng legal,

ganito po ung case namin apat po kaming magkakapatid yumao na po ung tatay namin pero ung nanay po namin ay buhay pa,pagkamatay po noong yumao naming tatay pinalipat po ng panganay naming kapatid ung titulo ng lupa sa kanyang pangalan na hindi po namin alam ang ginawa po niyang reason sa lipat ay binili niya, nalaman na lang po namin noong mgabayd kami ng amelyar sa lupa na nakapangalan sa kanya. ang problema po naisanla na po niya ang lupa. ang tanong ko po may habol pa po ba kaming tatlong magkakapatid sa lupa hawak po namin ung original na land title na nakapangalan pa sa yumao naming tatay.

gumagalang po at umaasa na matulungan po ninyo ako.



Last edited by manlupig on Sat Jan 19, 2013 10:45 am; edited 1 time in total (Reason for editing : maling spelling)

adel.villafuerte


Arresto Mayor

First, if the original owner's copy of title is in your possession, check the government file in the office of Registry of Deeds(RD) if such title is still in the name of your father. If yes, the fraud documents in favor of your brother is NOT YET REGISTERED in the registry books of Registry of Deeds and hence, NOT PERFECTED. In that instance, you must notify the Register of Deeds to hold or refuse to accept and/or register any transaction involving such property using Deed of Sale.

Second, if it is true that the tax declaration is in the name of your brother, secure a copy of Deed of Sale in the office of the Provincial Assessor to show proof the due execution and genuiness of signature, and to show proof if your mother also affix her signature conforming such sale transaction. If there is fraud, the aggrieved heirs must file an instant civil action for Annulment of Sale with TRO. And I assure you will win in that case.

manlupig


Arresto Menor

Sir, napaganda at malaking tulong po ng legal advice ninyo sa aming problema sa lupa na pinaghirapan po ng aming mga magulang na pinagsamantalahan at niloko kami ng panganay naming kapatid.kagyat na pagkilos ang gagawin po namin sa mga advice ninyo at mag update po ako sa mga result na makukuha po namin sa pag inbestiga sa mga dokumento po ng aming lupa sa opisanang gobyerno nabanggit po ninyo. sana po manatili po ang inyong napagandang website forum sa internet marami po kayong talagang natutulungan na abang katulad namin mabuhay po kayo. god bless with your loving family.

MARAMING SALAMAT PO,
Manlupig

manlupig


Arresto Menor

Sir, may pahabol po akong comment at question pa.

tungkol po sa second advice po ninyo:
Totoo po yun na nasa pangalan na po ng aming panganay na kapatid ung lupa kase po last week lang po kami nagbayad ng amelyar sa lupa at sa na print na resibo pangalan na po ng panganay naming kapatid ang nakasulat.sabi po ng mga taga RD nailipat na po sa pangalan ng panganay naming kapatid ang pagmamay ari ng lupa.

Tanong ko po:
In case lang po na nakapirma po ang aming nanay sa sale of deed(pero natanong ko na po ang nanay ko wala daw po siyang alam katunayan po siya ang nagtatago ng original na titulo ng lupa), may habol pa po ba kaming tatlong magkakapatid?may chance pa po ba na makapag file kami ng annulment of sale?

Maraming Salamat po,
manlupig

manlupig


Arresto Menor

Sir Magandang araw po, I update ko po kayo sa case ng land tittle po namin.Ginawa na po namin ung second advice ninyo na mag punta kami sa office of provincial assessor para humingi ng copy ng deed of sale.

Pagpunta po namin sa office of provincial assesor nag request po kami ng copy of deed of sale nag submit po kami ng photo copy ng hawak namin na land tittle na naka pangalan sa yumao kong ama,Hiningi po ng provincial assesor ung original po ng land tittle nag duda po sila na peke po ung hawak naming land tittle sinuri po nila at napatunayan nila na peke na rin po ung hawak naming land tittle na matagal na nakatago sa family cabinet po namin,ang masaklap pa po maliban sa pag sangla naibenta na po ng panganay naming kapatid sa ibang tao at nakapangalan na yung land tittle namin sa bumili at ung ang sabi ng provincial assesor. pero ang tanong ko po sa provincial assesor bakit po ung amelyar na binayaran namin last two(2) weeks ay naka pangalan pa sa panganay namin kapatid na nanloko sa amin,ang sagot po ng provincial assesor dahil hindi pa daw po pina process ng nakabili sa office of provincial assessor ung pag transfer sa pangalan niya pero anytime daw po na pina procees nila malilipat na daw po sa pangalan ng bumili.Sir ung po mga documento na ginamit ng panganay naming kapatid ay falsification of document po bago niya binili para malipat sa pangalan niya at pagkatapos sinangla tapos di siguro mabayaran binenta po.Sir tanong ko lang po tama po ba ang gagawin namin ngayon tulad ng advice ninyo, Nag request po kami ng certificate sa office of provincial assesoor para sa mga falsicifation of documents para maka pag file po kami ng civil action ng annulment of sale with TRO.

Umaasa po matulungan ninyo kami at mabigyan ng payong legal


Maraming Salamat po,
manlupig

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum