Ang lupa namin ay 50 sqm lamang. Ito ay binili ng aking mga magulang sa aming kamag anak mahigit 25 years n po ang nakararan mula ngayon 2012, ang kalahati 25sqm ay binenta rin ng aking ama at ina sa aming kapitbahay. Natira sa amin ang 25sqm.
Ang lupang binili po ng aking mga magulang ay parte lamang po ng isa pang malaking lupa na may isang buong titulo. makalipas ang mga taon ay hindi nagawang maipatitulo ang parte ng lupang iyon hangang sa kamtayan n lamang ito ng aking ina nakaraan 2011 lang. At tanging deed of sale ang sa amin ay natira.
Kami ng aking mga kapatid ay handa na gawin ang nararapat para maisalin sa panagalan ng aming bunsong kapatid ang lupa(ito ay verbal na kahilingan lagi ng amin ina nung siyay nabubuhay pa) nais niyang ibigay ito sa bunso naming kapatid na pipi at bingi.
Dahil sa ang lupa ay deed of sale lang hindi po nmin sigurado ang naging sistema ng bayaran ng amilyar nito.
Ang mga tanong ko po ay ganito.
1. Paano namin mapoproteksyonan ang aming mana at maibigay ito sa bunso namin gayong wala kaming titulo?
2.Maari bang makamkam itong muli ng mga taong pinagbilhan ng aking mga magulang dahil sa sila ang nagbabayad ng amilyar?
3.Paano ko mapapatituluhan ang lupa namin? Nasa posisyon b ako bilang anak para ipag patuloy ang pagpapatitulo?
4. Magkano po ang serbisyo ng property lawyer? Meron po bang libre sa city hall?
Maraming salamat po.