Nung namatay mga magulang namin, gumawa kami ng Extra Judicial Settlement depende sa agreement ninyo kung ano ang gagawin sa property. Kung paghahatiin o ibebenta. Kami ibebenta namin kasi may building nakatayo kaya with Sale ung Extra Judicial Settlement. Kung kayo ay paghahatiin sa inyong magkakapatid, kailangan muna itong ipasurvey kung ilan kayo sa isang geodetic engineer/surveyor gaya ng ginawa duon sa isang lupain namin na malaki-laki at walang improvement. Pagkatapos ng survey, nagkasundu-sundo alin ang parti para kanino. Tapos pinatitulo ng bawa't kapatid. Lahat ng 2 properties ay nakalagay ang napagkasunduan namin sa Extra Judicial Settlement; tapos pina-publish ito sa newspaper ng 3 consecutive weeks, one each week; tapos nagbayad kami ng Estate Tax (bir form 1801); ng makuha namin ang Certification Authorizing Registration (CAR) dito na kami nagsimula ng pagkuha ng mga documents na kailangan ng Register of Deeds.
_________
HINDI AKO LAWYER, ISANG ORDINARYONG TAO LAMANG NA GUSTONG MAGBAHAGI NG KANYANG EXPERIENCE...