Nakabili po ang aking magulang ng lupa. Sa aking pagkakaalam itoy minana ng magkakapatid at ibineta sa aking magulang. Hawak ng aking magulang ang deed of sale nito at naka pirma lahat ng magkakapatid.Kami na din po ang nag babayad ng buwis nito. Sa Property tax (land) po nakasulat na ung pangalan ng aking magulang. Ang gusto ko lang po malaman kung papaano at anong unang hakbang para maayos ang title nito.
Tanong ko lang din po. Maari din po ba na idagdag ang pangalan ko sa bagong titulo. Kahit hindi nakasulat sa deed of sale?
Maraming salamat po.