nais ko lamang pong humingi ng inyong payo at naway mabigyan nyo po ng linaw ang aming karapatan. ang aming pamilya po ay may nabiling lupain na binenta ng bangko. dati na po kaming umuupa sa lupang ito kasama and dalawa pang bahay at isang pagawaan ng furniture. may 'promise to sell' na po ang bangko sa amin at nakaka isang taon na kaming nakakahulog ng bayad. nagharap na din kami ( kasama yung dalawang pamilya at yung may ari ng pagawaan ng furniture na nakatayo sa lupa) sa barangay at nagkaroon na ng pinirmahang kasunduan na maari silang manatili ng libre ng isang taon sa lupang aming binabayaran. ngunit pagkatapos ng isang taon ay hindi daw sila aalis at ilalaban na lang daw nila sa korte (itoy pahayag nung may ari ng pagawaan ng furniture). totoo po bang may habol pa din sila dahil wala pa naman po sa amin ang titulo ng lupa (at makukuha pa namin after 5 years)? although sa kasulatan ng bangko, binigay na ng bangko sa amin ang karapatang magpaalis. maari po ba naming kasuhan yung may ari ng pagawaan ng furniture dahil parang maituturing syang propesyunal na skwater dahil ginagamit nya sa negosyo yung libre nyang pananatili sa lupang hindi kanya? ganap na po ba ang karapatan namin sa lupa o mas makabubuting hintayin na lamang namin na ma full paid namin ito at makuha ang titulo bago magsampa ng kaso?
umaasa po sa inyong payo at tulong..
salamat po