Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

[Help] Sakanila na daw yung lupa namin at wala na kaming habol.

Go down  Message [Page 1 of 1]

raff25

raff25
Arresto Menor

1993 naisanla ng mga magulang ko yung titulo ng lupa namin. Yung mga magulang ko may di pag kakaunawaan dahil sa pagkakasanla. Umalis yung tatay ko umuwi ng cebu. Si Nanay ko naman naiwan dito sa bahay namin. Year 2010, sumulat yung pinag sanlaan ng titulo ng lupa namin na ibebenta na raw nila yung lupa namin at kami daw yung "1st priority to buy" naka lagay din po duon sa sulat na may real state broker syang kinuha na magaasikaso ng pagbebenta kailangan daw po namin makipag ugnayan within 30 days. Nagtaka kami kasi nakasanla lang po ito sa maliit na halaga at hindi po namin maasikaso dahil di po namin alam kung san po pupuntahan yung pinagsanlaan. kinabukasan po pinuntahan agad ng Nanay ko yung address sa sulat para alamin ang sitwasyon at may sumalubong po agad sa kanila na malaking mama na anak daw ng pinagsanlaan at galit na galit na sinabi "Yung tungkol sa lupa ba pinunta nyo? wala na yun! amin na yun wala na kayong habol dun!" Natakot yung nanay ko at sinabihan yung kuya ko na wag na magsalita o sumagot, ilang minuto may nakausap silang isang ginang na nagpapakilalang anak din daw at sinabi na "kung gusto nyo matubos yung lupa nyo bilihin nyo samin ng 1 milyon!" sa madaling salita wala silang nakausap ng maayos at di napag usapan kung papaano nangyari naging kanila yung lupa namin. Ang usapan po kasi walang tubo at wala din po remata, tulong lang daw nila yun sa mga mahihirap kwento ng Nanay ko saamin magkakapatid sabi daw po ng pinag sanlaan ng titulo.
Nitong nakaraang buwan taong kasalukuyan, nag sadya dito samin yung real state broker na anak pala ng pinagsanlaan na dala yung titulo na nakapangalan sa nanay ko at siya din yung nagsabi na bilihin ng 1 milyon, kailangan na daw po yung lupa, makipag usap daw po si nanay pinapapunta sya ulit doon sa opisina ng real state broker. Dahil kapag dinaan daw sa Legal wala na daw po kami habol. Nagtanong tanong po kami at humingi ng payo sa isang lawyer, ang sabi samin una namin gawin kumuha ng kopya ng titulo sa register of deeds at napag alaman namin na nailipat na pala sa pangalan ng pinag sanlaan yung titulo ng lupa namin ng di alam ng mga magulang ko/namin. Nagsadya kami sa opisina nila para kausapin yung tatay nila (yung pinagsanlaan) pero ayaw po iharap sa amin ng mga anak dahil di na raw po kami haharapin noon dahil daw sila na raw namamahala ng mga dokumento ng magulang nila....

Tanong ko lang po...
Posible ho ba mailipat sa pangalan pinag sanlaan ng titulo ng di alam ng magulang namin? at wala manlang sila ginawang aksyon?
o kahit ipaalam manlang samin o tanungin kami kung tutubusin pa namin o hindi na?
Legal din po ba yung pagharap samin ng mga anak at hindi yung mismong pinagsanlaan para makausap tungkol sa nangyaring paglipat ng pangalan?
May magagawa pa po ba kami para mabawi yung lupa namin?

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum