Good day po, first time ko po dito sa site, hihingi po sana kami ng legal advice about sa manang ibinigay ng lola namin sa parents namin. 2 bukid ang lupang naipundar at pinaghirapan ng lola at lolo namin na ngayun na namana ng tatay namin. Ang problema lang po lagi ipinamumukha ng mga parents namin na wala kami makukuha kahit magkano dahil anak lang daw nila kami at sa kanila naipamana iyong mga bukid. So ngayun kada magbebenta sila ng bahagi ng bukid, sa kanila lang ung pera, kahit magkano wala kami natanggap. Hindi po kami nagsalita ng kung ano, pinabayaan namin dahil lagi nila sinasabi na anak lang daw nila kami. Tapos ngayun po balak na naman nilang magbenta nito, at ganun parin po ang balak nila na sa kanila lang yun, ang kinainis lang po namin ay ginagamit ng tatay namin ung pera sa pambababae kahit buhay pa nanay namin. Kaya parang di na namin kayang itolerate ung mga ginagawa nila sa aming magkakapatid. May karapatan po ba kaming magkakapatid sa manang ibinigay ng lola namin sa tatay namin? Ano po maaari namin maging aksyon kung sakali man po?? Maraming salamat po..
Johannes