Ang nais niya ay bigyan namin ( pamangkin sa mga kapatid niya) siya ng kasulatan na nagbibigay authority as a vendor na siya lang ang magbebenta ng lupa at tatanggap ng bayad. Ngunit nagdududa kami sa katapatan niya pagkat ng buhay pa ang ibang kapatid niya ay tinikis niya na ipaghatihati ang kakarampot na lupain hanggang sa magkasakit at nangamatay na ang mga ito.
Meron na silang magkakapatid nagawa na Deed of Extra Judicial Settlement pero nuon pang 1995 at ito ay hindi na raw valid sa gagawing bentahan ng lupa ngayon pagkat mga yumao na ang nakararami.
Ang tanong ko lang ay ano ang mga kailangan na legal na papeles na dapat naming mga pamangkin na pipirmahan. At ano ang mga kasulatan ang dapat namin pirmahan para naman mapangalagaan namin ang aming karapatan sa hatian sa benta ng lupa.
Legal ba na kung bibigyan namin siya ng karapatan na makipagnegotiate ng benta ng lupa ay hindi na kami pipirma sa Deed of Absoluta Sale. Kailangan ba ng panibagong Extra Judicial settlement na kaming mga pamangkin (anak sa anim na yumaong kapatid ng tiyahin ko) ay nakapirma din?