Gusto ko po sanang isangguni ang sitwasyon ko.. Ako po ay isang ampon lamang ng aking mga nakagisnang magulang. Pero wala po akong adoption papers o anumang dokumento na nagpaptunay sa pagkakaampon sa akin. Ang tanging pinanghahawakan ko lamang ay ang birth certificate ko na ang nakalagay na pangalang ng mga mgaulang ay ang pangalan ng mga kinagisnan kong parents. In short, parang totoong anak nila akong itinuring. Namatayu na silang dalawa at ako ay pumisan sa mga lolo at lola ko na minahal ako ng lubos. Nang namayapa na sila, mayroon silang naiwang lupain na sinusubukang ibenta ng kanyang mga natitirang buhay na anak. Ang nakagisnan kong yumaong ina ay ang panganay nyang anak. Ang aking katanungan ay mayroon ba akong karapatan na maghabol sa share ng aking namayapang kinagisnang magulang?