ako po si Grace nais ko lamang po sanang itanong kung sino po ba ang mas may karapatan sa bahay na iniwan ng yumao kong lolo,ang tatay ko po ay nag-iisang lalaki at sya po ang panganay sa apat n anak ng lolo ko JR din po sya ng lolo ko,ng mamatay ang lolo ko ay sinabe ng kanyang kapatid na wala na daw karapatan sa bahay ng lolo ko,kundi ang tita ko na lamang daw ang may karapatan pati kaming mga apo ang pinagbabawalan na pumasok o dumalaw sa bahay ng lolo ko,kinasuhan pa po kame ng trespassing tama po ba na yung tatay ko pa ang mawalan ng karapatan kahit sya ay nag-iisang lalaki at panganay pa sa lahat? ang tita ko po ay may sarili na ring bahay pero yung isa nyang anak ay nagtayo na ng bahay sa lupa ng lolo ko,pero kaming mga nagdadala ng apelyido ng lolo ko ay di pinagbigyan na tumira sa lote ng lolo ko. 3 hate po ang bahay ang bahay ng lolo ko at napagkasunduan nga po na tig-iisa silang magkakapatid ngunit bigla na lamang pong inangkin ng tita ko lahat at pinapalayas pa kame,ang nanay ko po ay may namanang bahay din sa kanyang ina ito ang kanilang sinasabe na may sarili na daw kaming bahay,samantalang sila ay meron na din pong sarili,ang pinag-uusapan po dito ay ang minana nila sa kanilang ama.
sana po ang mabigyan nyo ako ng magandang payo ng sa ganun ay maaksyunan ko po ito ng naayon sa batas,meron po ba kaming karapatan sa bahay ng lolo ko o wala? sinu po ba dapat ang mag may-ari ng bahay. Salamat po ng marami.