30 years ago po, sinanla ng mga anak lolo ko(sila po yong kapatid ng magulang ko) yong niyogan po nila. Anim na ektarya po ang kabuuang laki nito. At yon naman pong pinagsanlaan nila, isinanla din po ulit sa kamag anak nila. At ngayon po,yong huling napagsanlaan, sila na po ngayon yong naka deklarang mayari,dahil tinignan po namin ito sa record ng aming munisipyo. Pero nung magtanong tanong po kami doon kung nasaan po ang mga supporting documents nito na magpapatibay na sila na po ang mayari ay wala pong maipakita ang taga munisipyo. Tinanong na po namin yong huling napagsanlaan kong bakit nakapangalan na sa kanila yong lupa, may pinakita lang po silang papel sa amin na pumirma na daw ang lahat ng anak ng lolo ko, na nagsasabing ibininta na daw po sa kanila yong lupa samantalang wala naman daw po talagang pirmahang nangyari. Ni hindi po marunong magsulat at magbasa yong ibang anak ng lolo ko paano po nangyaring may pirma po sila, thumbmark lang po ang gamit ng ibang kapatid. Ano po ang maari naming maihabol sa kasong ito? Saan po kami maguumpisa?
Maraming salamat po, sana mabigyan niyo po ako ng advice.
God Bless!