this is regarding po sa lot na may 6 na magkakapatid na entitled na maghati-hati.
Isa po sa magkakapatid na yun ay nakapagtayo na ng bahay noon pa. Ngayon po, nagkausap na sa abogado na yun lupa ay hahatiin sa anim na magkakapatid.
Ngunit yun nagtayo po ng bahay, sila po ay nagtayo na rin sa surrounding area na supposedly para pa sa 5 pa na may-ari ng lupa. Alam na po nila na hahatiin na yun property dahil nagkausap na po sa abogado pero nagsitayuan pa rin po sila ng mga concrete na structure.
May habol pa po ba yun mga iba na nakaentitle sa lupa or dahil natayuan na nila ay wala na sila magagawa? Pinababayaran po kse yun part ng bahay nila na madadaan o masisira ng ibang tagapagmana pero hindi naman sakop sa sukat ng lupa nila yun mga part na maaaring tamaan. Tama po ba yun? Ano po ba ang pwede namin gawin para mahabol yun property kase nagkausap na po sa abogado na pwede daw bayaran un mga iba na tagapagmana pero wala nmn po sila ibabayad. Nagpapaasa lang po para di na makuha ng iba un property pero nakapagdecide na po un iba na hindi na magpapabayad at kukuhanin nalang ang lupa para tayuan ng bahay. Nun nalaman po nila yun, dali dali po nila tinayuan ng structure para mahirapan makuha.
Salamat po na pagbasa at hoping for your kind advice.