4 po kami magakapatid 2 lalake at 2 babae. Married napo kami lahat at nag palit narin siyempre ng apelyedo mula pagkadalaga.
Ang isa sa aming kapatid ay nagsabi na kapag married na daw ang isang babae at nag palit na ng apelyedo ay mawawalan na ng karapatan na makihati o mana sa lupang iiwan ng kanilang mga magulang. Tama po ba iyan.Pwede po ba na maghati-hati na kami sa lupa ng mga parents ko habang buhay pa sila kasi parang nararamdaman namin na may balak po ang isa sa kapatid namin na solohin ang mana panganay pa naman siya at lalake. Pls advice po.