Na-stroke ang aking ama at sa panahong kinailangan niya ang matagal na gamutan ay nasaid ang perang matagal niyang itinabi. Ninais niyang kunin ang share niya sa lupaing naiwan ng aking mga lola't lolo upang sana ay ma-liquidate at gamitin niya sa patuloy na pagpapagamot ngunit siya ay nananatiling bigo dahil ayaw ilabas nang aking tiyahin ang mga titulo. Naulit ngayon ang pangangailangang medical nang aking ama at umaasang maiayos na mapasa kanya ang share niya sa lupaing dapat manahin bilang anak. Mahina na ang aking ama, nais naming ihain sa tamang forum ang kanyang karapatan sa lupaing mamanahin...sisimulan namin sa barangay level ang forum at maghahain ng complaint sa mga tiyahin kong tumatangging maki-cooperate at linawin sa amin ang lahat bakit ayaw nilang ilabas ang mga titulo at pag-usapan ang nararapat na hatian nila bilang magkakapatid. Ano po ba ang maipapayo niyo pa?