help lang po,
yung lolo ko matagal ng patay mga more than 20 years na, may naiwang lupa pero matagal narin napabayaan at hindi nabayaran ang tax. recently, yung isang anak ng tita ko (patay na) nag update about sa lupa then inalam kung magkano yung tax na babayaran. ang tanong ko po, ang amelyar po ba ay katumbas ng titulo ng lupa? kasama pa po ba sa magiging hatian ng lupa yung mga anak ng lolo namin na patay na pero may mga naiwang anak? paano ang magiging hatian ng lupa?
sa mga anak ng lolo ko, 4 nalang silang buhay, tapos yung 5 patay na pero yung 3 may mga naiwang anak, mahahati hati po ba ang naiwang lupa ng lolo without the consent or approval nung 4 na magkakapatid na buhay kung ang magpa process ay specifically pinsan lang?
thank you po sa sagot