Gud Day po! Nakatira po kami ngayon sa bahay at lupa ng biyenan ko,sa ngayon po sa probinsya na sya nakatira, awarded po ito ng NHA sa kanya,ang mga kapatid po ng asawa ko ay sa abroad na nakatira kasama ng kani-kanilang pamilya.Pinaganda at hinati ang bahay ng bunsong kapatid at pinatirhan sa mga kamag anak ng asawa nya ang kalahati, ginastusan daw nya ito at sa kanya daw ito ipapamana. Ngayon pati sa pakikisama sa mga kamag anak ng asawa nya kami pa ang dapat magbigay..Gusto ko po lng sana malaman kung ano po ang karapatan ng asawa ko at ng mga anak ko dito sa bahay na ito? Maaari po bang ipamana ito sa anak na hindi na Filipino Citizen? salamat po at God Bless!!