Ang mga magulang ko ay namatay n, kaso itong 4 kong kapatid gusto nila na may hati din sila sa lote na ibebenta ko. Pero halos lahat ng pera ng magulang ko ay nagastos n nila.. I mean nakuha na nila ang mga mana nila.. Nakakuha n sila ng malalaking pera at malaking lupa na galing sa magulang ko. Pero ako wala pa akong nakukuha na kahit isang kusing. Kaya balak ko na ibenta itong lupa na naiwan ng magulang ko. Nasa akin ang titolo pero nkapangalan prin sa tatay ko., my nakausap na akong buyer pero etong 4 na kapatid ko nagkakaisa para sakanila mapunta ang pera na pagbebentahan. Hindi ko alam gagawin ko. Help nmn kng paano ko ito mgagawan ng paraan. Mabebenta ba ng mga kapatid ko yung lote khit nsa akin ang titolo. Yung buyer kasi na nakausap ko nakapagbigay ng 40k gusto n nyang bawiin kasi ang gulo dw.. ung mga kapatid ko nangugulo, tpos tinatayuan nla ng maliit n bahay pra hndi ko daw mabenta.
Hndi lng nmn sa akin mappunta ung pera n pagbbentahan ko... Ibbgay ko sa din sa 2 ko pang kapatid na hindi pa nakakakuha ng mana..
Anong pwde kong gawin, at may karapatan ba ako na paalisin ang mga kapatid ko na nagtayo ng maliit na bahay sa lote na gusto ko ibenta?.. kasi nasa akin yung titolo.
Paano ko ba ililipat sa pangalan ko ang titolo at magkano po kaya magagastosa sa pagpalitan ng sa pangalan ko ang lote.
Please tulungan nyo po ako dhil ayoko na sakanila n nmn mapunta ang natitirang lote na naiwan ng mga magulang ko.
Ayoko na yung mga gahaman kong kapatid na naman ang makinabang sa mga pinaghirapan ng mga magulang ko. 3 pa kmi na hindi pa nkakakuha ng mana, palage nalang sakanila.