Kami po ay 3 magkakapatid, nais po sana namin na makakuha ng parte sa pagaari ng lolo namin.2 lang na magkapatid ang lolo namin,subalit maagang namatay ang aming lolo at 1 lang ang naging anak nya,at iyon po ang aming ama.Maaga rin pong namatay ang tatay namin habang kami ay musmos pa lamang.
Dahil maliliit pa po kami nung time yon kaya wala po kami idea about sa lupa na dapat ay mana nya.Nitong May 2009 nag kita kami ng hipag ng lolo namin sa bikol,Sorsogon.Ibinalita nya po na 2004 lang po namatay yung kapatid ng lolo namin at may mamanahin daw po kami galing sa mana ng tatay namin,unfortunately namatay din yung hipag ng lolo namin noong Oct.2009.
Dito na po pumasok yung problem namin,kasi itinatanggi na po ng mga pinsan ni tatay ang nasabing MANA.Hindi raw po nila alam yung tungkol sa MANA namin.
Meron po ba kaming karapatan sa nasabing MANA?
Sana po ay matulungan nyo po kami,subalit wala po kaming pambayad sa Abugado dahil nga po sa lumaki kaming naghihirap dahil kami po ay inulila ng aming ama sa maagang panahon.
Maraming Salamat po!!!
Ang inyong lingkod,
Alvin C. Falcotelo