Meron po akong hinuhulugang bahay sa pag-ibig na naibenta ko ilang months after naapprove ang loan.
Yung buyer na nakabili ay walang pang-downpayment kaya nakipagusap sya sa pag-ibig kung pwedeng magloan siya ng bago at ang pagibig ang magbabayad sa hinihingi ko. Sinabi ng pagibig na pwede daw yun kaya nag-agree ako sa ganung terms. Vinerify ko din mismo ito sa pagibig kung pwede nga ba talaga.
Gumawa ako ng conditional deed of sale na pinirmahan naming 2 at based ang terms sa napagusaan.
Dahil sa kagustuhan niya nang lumipat sa unit ko, agad niya itong pinaimprove, pumayag ako dahil nagkapirmahan naman na kami sa deed of sale.
Unfortunately, nung actual na siyang magloloan, nagkaproblem kami dahil bound pa daw sa contract to sell ang bahay at hindi ito pwedeng ibenta within 2 years. Nagkasundo na lang po kami na bayaran na lang nila yung monthly ng bahay sa pag-ibig hanggang sa matapos ang 2 years at pwede na itong i-loan.
Lumipas na po ang 2 years at ng ininform ko ang buyer na pwede na siyang magloan ayon sa developer, umasa akong kikilos na siya pero makailang bwan sa tuwing nagkikita kami ay marami siyang dinadahilan kesyo nagaayos pa daw siya ng requirements. Umabot na po ito ng 1 year sa ngayon kaya't gusto ko na sanang gumawa ng paraan para siya'y pakilusin at maayos ang problema ko.
Hihingi po sana ako ng advice if ano po ang magandang legal action para mapakilos ko siya at maayos ang problema ko. Maraming Salamat po