Hihingi po sana ako ng tulong, tungkol sa lupa ng lolo ko. Ganito po kc ang kwento, matagal na pong patay ang lolo ko at ang lola ko pati po ang dalawa nilang anak na babae. Isa po don ang nanay ko, ngayon ang natira nalang na buhay ay ang dalawa kong tiyo at ang kanilang half sister(anak po ng lola ko sa ibang lalaki). Bali po may apat na legal na anak ang lolo ko, at ang dalawa ay patay na. Ang tiya ko pong namatay ay walang anak. At apat naman po kaming magkakapatid na naiwan ng mama ko. Ngayon ho, napaka gulo para sa akin ang nangyayari ngayon. Lumipat po kami dito sa probinsya upang makakuha naman ng share sa magulang ko dito sa lupa kasi nakapangalan pa rin ang titulo ng lupa sa lolo ko hanggang ngayon kaso hindi po ko binibigyan ng mga tiyo ko kahit pisong duling! Gusto ko na po sanang ipasurbey ang lupa para makuha na po naming magkakapatid ang share ng nanay ko kaso pinagbabantaan po ako ng tiyo ko na papatayin nya ako pati ang pamilya ko. Hanggang dumating sa point na nasaksak ako ng tiyo ko pati ang asawa ko. Nawa'y masagot niyo po ang mga katanungan ko
1. Maaari po ba kong tumayo para sa karapatan ng nanay ko? na makuha ang kanyang share sa lupa?
2.Kung halimbawang ipapasurbey ang lupa namin, may share pa po ba ang half sister ng mga tiyo ko? kahit hindi siya anak ng lolo ko?
3. Sinasangla po ng mga tiyo ko sa ibang tao "ANG MGA PARTE DAW NILA SA LUPA" kahit hindi pa po ito nasusurbey. pwede po ba talaga nilang isangla ang ang ibang parte ng lupa? may kaso po bang pwedeng igawad sa kanila kung halimbawang hindi pwede?
4. May posible po ba kong kaso na pwedeng isampa sa kanila? sa ilang years na hindi nila kami hinahatian sa income ng lupa?
Maraming salamat po, umaasa ako na matutulongan nyo po ako..