Magandang gabi po. Ang lola ko po ay nakabili ng lupa tax declaration noong syay buhay pa. Puro po tubig ang lot na nabili nya. Iniofer nya sa isa sa mga anak nya para iimprove walang tumanggap. Ang mama ko po ay anak nya rin. Nung lumipat kami sa hometiwn nila mama inofer ni lola sa papa ko. Binigyan sila ng authorization paper na sila ay pwedeng magbahay. So, sinimulan ni papa ang improvement hanggang may bahay na kami don mula sa barongbarong nakakuha si papa ng building permit, house tax declaration nakapagpakabit ng tubig at kuryente. Namuhay silang mapayapa. Hanggang sa namatay ang lola ko hindi nya nailipat kung kanino ipapamana ang lupa. Limang magkakapatid sila mama. After two years may nanggulong banko na sinangla raw ang lupa ng kapatid ng mama ko bunso nila. Ishesherif na daw kaya inaway ng papa ko tagabanko at pinakita ang papel na pirmado ng lola ko na kami ang nakatira doon. Nagpakita rin ng papel ang banko na pirmado rin ng lola ko na pumayag syang isangla ng uncle ko yung lupa. Totoong nangutang uncle ko kase nakita nya improvement ng papa sa lote. Ang papeles ng banko ay may mga apat na attorney pirmado at may witness din kaibigan ng uncle ko. Namatay ang lola ko 2008, nanggulo ang banko 2010. Tapos nung pinakita ni papa yung papers na may bahay kami sa lupa umalis na sila ngunit tuwing magbabayad kami sa munisipyo ayaw tanggapin ang bayad namin sa miyarado or tax sa lupa dahil ang banko ang nagbabayad ngayon. Ano po ang dapat naming gawin? Ilang taon ng banko ang nagbabsyad ng tax mula ng manggulo sila at ayaw tanggapin ang bayad namin sa munisipyo. Makukuha ba ng bangko ang lupa? Nakatira ngaun sa parte ng lupa na tinitirhan namin ang uncle ko na nagsangla. Ano ang dapat naming gawin para hindi mawala ang lahat ng hirap ng papa. Walang naitulong ang ibang mga kapatid ng mama ko. Pede ba naming kasuhan ang bank or ang uncle ko?
Free Legal Advice Philippines