Good afternoon po. May isasangguni lang po ako tungkol sa lote na naiwan ng lola ko. may siyam po silang anak, kabilang po ang nanay ko na namatay noong 1995. nung magkasakit po ang isang tyuhin ko, napagkasunduan po ng natitirang magkakapatid na ibenta ang isang parte ng lupa para pangtustos sa tyuhin ko na isa dun sa siyam na magkakapatid. sa pagkakaalam ko po (dahil wala pa ako sa hustong gulang noon) nagkaroon po sila ng kasulatan na lahat sila ay pumapayag na ibenta ang parte ng lupa na yon. at sa kasulatan na yon, binalewala po nila kami kasi nga patay na daw po ang nanay ko. ang tyuhin ko po na yon ay namatay din kinalaunan. nung magkasakit naman ang lolo ko, napagkasunduan ulit ng magkakapatid na magbenta ulit ng parte ng lupa para pang-tustos sa lolo ko at sa pangalawang pagkakataon, di rin po kami kasali sa usapan na yon. namatay din kinalaunan ang lolo ko. nung magkasakit naman ang lola ko, naisip na humiram ng pera ng tiya ko na nag-aalaga sa lolo't lola ko sa kapatid nyang babae. gumawa po sila ng kasulatan at napagkasunduan na iprenda ang OHA ng lupa sa hinihiraman nyang kapatid. Sa ngayon po at mayroon nalang mahigit 100 sq.m na natitira sa lupa na kinatitirikan ng bahay ng namayapa nang lolo at lola ko. tinitirhan po ito ng matandang dalaga na tyahin ko na nag-alaga sa lolo't lola ko. ang tanong ko po, may parte po ba ako sa natitirang bahagi ng lupa na yon? ano po ba ang legal na hatian sa mga natitirang magkakapatid? Sa ngayon po kasi, gusto pong ipagiba ng tyahin ko na inutangan po ng tyahin kong matandang dalaga nung nagkasakit at lola ko at mamatay yung bahay na yon at kanya na daw po yun. may habol pa po ba ako? ang gusto ko nalang po kasi mangyari sa ngayon ay manatili ang bahay na yon para sa tyahin ko na nag-aruga sa lolo't lola ko. umabot na po sa pwersahan na nagbaon sila ng mohon nung araw na walang tao dun sa bahay. sana po ay may makatulong at magbigay ng payo sa ken dahil sa totoo lang po, wala po kami sapat na kaalaman tungkol sa lupa. salamat po.
Free Legal Advice Philippines