nangungupahan ako ng bahay sa rentang sabihin na nating 5500 kada buwan, tapos may 2 months deposit
ngayon nawalan ako ng trabaho at isang buwan pa lang akong di nakakabayad, tapos halos buwan buwan ako nakikiusap na madelay bayad ng 2 weeks dahil sa matumal yung buy and sell na negosyo ko
ngayon, di talaga ako nakabayad kase talagang walang benta.
nakasaad sa contrata na pag parating delay may karapatan syang paalisin ako at di na refundable yung deposit
at dahil sa hindi ako nakabayad ngayong buwan, pinepwersa na nya ako na umalis dahil di na ako makabayad.
dahil di ako nakabayad ngayong buwan, nagamit ko yung 1 month deposit ko,
wala na po ba ako karapatan talaga na iconsume man lang yung natitirang 1 buwan na deposit? sa katunayan walang wala akong pero ibenebenta ko rin yung mga gamit online pero wala pang bumibili
wala po ba exception dun na override yung sa kontrata? nakikiusap naman ako sa kanya, at di pa sya sumasagot.