Balak po namin bilhin yung maliit na bahay kaso iisa po yung titulo ng dalawang bahay. Ayaw paghiwalayin yung titulo sa dalawa ng lola ko kasi gagastos nanaman daw.
Gusto nya po mangyari ay hindi nya po ibibigay yung titulo pero gagawa daw ng kontrata at ipapanotary na kami yung nakabili sa bahay and so on and so fort
Enough na po ba yun para masabing kami na talaga yung rightful owner nung maliit na bahay?
As I remember pede daw gawing donation ba yun or something? Kasal pa po kasi sila ng grand father ko which is may alzheimer's na po. Natatakot po kami na baka mamaya may maghabol po dun sa titulo nila and kami po yung mawalan if ever hindi po nila ibigay samin pag nabayaran na. Baka po kasi ibigay ung titulo sa step grand father ko pag tumagal.