Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Titulo ng lupa ng anak pwede bang gawing pang ipit para magbayad ng utang ang ina

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

librarian75


Arresto Menor

Sana po ay matulungan nyo kami sa aming problema. May utang po ang aming ina sa isang tao. Sobrang laki na po ang inabot kasi panay ang dagdag ng interest at hindi bumabawas ang ibinabayad ng aking nanay. Dahil sa pananakot na magpapadala ng pulis kung hindi makakabayad sa utang, napilitan po ang aking nanay na ipagkatiwala ang titulo ng lupa ng aking kapatid na nasa ibang bansa kahit hindi nya ito alam para lang tantanan na sya sa pangha harass. Hindi po sangla ang usapan kundi garantiya lang na magbabayad ng kahit magkanong halaga sa itinakdang panahon. Meron po silang pirmahan sa kapirasong papel subalit lingid po yun sa kaalaman ng kapatid kong may ari ng lupa. Napatay po kailan lang ang pinagkakautangan ng nanay ko at ang nanay na nya ang naghahawak ng titulo. May karapatan po bang mag demand ang kapatid ko na isauli sa kanya ang titulo kahit walang ibinabayad ang nanay ko since hindi naman po sya ang may utang sa tao? Tama po ba na gamitin ang titulo na panggigipit sa nanay para bayaran ang malaking halaga na hindi nman nya nahawakan? Help naman po kasi halos hindi na nakakatulog ang nanay ko sa malaking hiya sa aking kapatid.

tsi ming choi


Reclusion Perpetua

1. Yes, merong karapatan kapatid mo na magdemand na isauli ang titulo kasi walang authority na ibinigay yung kapatid mo sa mama mo, unenforceable yung contrata sa paggarantiya.
2. Gamitin man or hinde gamitin yung titulo sa pangigipit pareho lang yun wala bisa kasi nga walang authority na binigay kapatid mo sa nanay mo na I garantiya yung titulo. in fact pwede mabawi ng kapatid mo yung titulo khit di pa nabayaran ng nanay mo yung utang.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum