January 2011 na nang malaman ng nanay ko ang ginagawang panloloko ng taong ito.
Ang taong ito ay nagdadala ng mga tao sa aming tahanan upang humiram ng pera sa kasunduang magbabayad sa itinakdang petsa. Nalaman namin na ang mga taong yun pala ay hindi naman ang talagang gumamit ng pera, although nakakuha sila ng porsyento sa pakikipagsabwatan sa taong pinagkatiwalaan ng nanay ko.
Iisang kumpanya lang ang pinag-ta-trabahuhan ng mga taong ito.
Nang magkabukingan na ay umamin naman ang taong ito na sa kanya nga napunta ang mga inutang nya at nangakong magbabayad ngunit hanggang ngayon ay walang ibinabayad sa nanay ko.
Nakakalungkot ang harap harapang panlolokong ginagawa ng taong ito sa nanay ko.
Ano po ang dapat naming gawin?
Dapat bang kausapin namin ang may ari ng factory para ipatawag ang mga kasabwat ng taong yun sa panloloko sa nanay ko?
Dapat bang ipa-barangay na namin sya?
Nagwo-worry ang nanay ko na baka mag resign sa trabaho ang taong iyon at tuluyang hindi na mabawi ang perang pinaghirapan nya.
May habol ba kami sa mga taong kasabwat? Nakinabang naman sila sa ginawa nila sa nanay ko.
Napakalaking halaga ng pera na po ang nailabas ng nanay ko. Nagkamali sya sa pagtitiwala sa taong ito.