Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

AYAW MAGBAYAD NG UTANG

Go down  Message [Page 1 of 1]

1AYAW MAGBAYAD NG UTANG Empty AYAW MAGBAYAD NG UTANG Tue Dec 20, 2011 10:41 pm

gizmoe


Arresto Menor

Magandang araw po.

Ako po si Alvin John, taga-Sta.Mesa Manila po. Gusto ko po sanang humingi ng tulong legal kung sa ano pong dapat kong gawin. Sa totoo lang po, matagal nakong nagbabasa ng forum nyo, at ngayon lang talaga ako nakapag-register kasi dapat pala alphanumeric ang password.. hehe.. e puro alphabets lang po kasi yung una kong type. And thankfully, nakapag-register din po ngayon.

Eto po yung nangyari samin ng mother at mga tita ko.

Last year po, nag-invest po ako at magulang ko po sa isang tao. Di po naging successful yung petroleum business dahil narin po sa pagsisinungaling nung distributor namin hanggang sa isang araw po sinabi nalang po na, na holdap sya at tangay lahat ng pera. Hinanapan po namin sya ng police report pero wala pong napakita ni isa.

Nangako pong babayaran lahat ng nawala. Dahil alam po namin na, di naman talaga nawala yung pera. Inisip po namin na ginamit nya yung pera para pagbayaran lahat ng niloko nya sa ibang tao. Tapos po. Umuwi po asawa nya na nagtatrabaho sa Singapore bilang nurse. Nagta-trabaho po sya sa National University Hospital-Singapore. Inako po nya lahat ng bayarin ng asawa nyang manloloko. Ang total po ng utang sa akin ay 232,600 pesos, sa nanay ko po ay 190,000 at sa mga tyahin ko ay 27,000.

Gumawa po ako ng payment agreement na magbabayad sya sakin buwan-buwan ng 15,000 at 20,000 naman po sa magulang ko. May kasulatan din po sila ng magulang ko. Nagsimula po syang magbayad nuong February 2011. Pagkatapos po ng isang buwan (February P40,000 hulog) hindi na nasundan. Di na po nagpadala ng pera at di narin po tumatawag sa amin. Ang asawang lalaki naman po na andito sa Pilipinas ay nag tetext pero di po nagpapakita at puro pangako lang po at pagsisinungaling sinasabi kapag naniningil po kami.

Dumating po yung panahon na namatay ang tatay ng nurse na nasa Singapore, umuwi sa Pilipinas. nagbigay po kami ng konsiderasyon na ok lang wag makabayad sa buwan ng Marso yun pero wala napong sumunod na bayad galing sakanila. Ako pa po bumili ng ticket pabalik Singapore dahil sa awa ko para makapagtrabaho sya at makabayad samin paunti unti at patuloy na buhayin ang pamilya niya sa probinsya. Lahat po ng awa binigay namin pero puro panloloko parin ginawa nila.

Ang pinanghahawakan ko po ay kasulatan namin na pirmado nilang mag-asawa, photocopy ng passport nila. Nbi clearance nung lalaki, marriage cert. Copy at license copy din po.

Naawa parin po ako sa pamilya nila pero po di na kasi tama na mawawala nalang silang mag asawa tangay ang pinaghirapan ng iba. Lahat po ng savings ko andun pinagkatiwala ko sa taong diko akalain ay manloloko po pala.

Gusto ko man pong sundan sa Singapore para personal na singilin pero natatakot ako na di ko sya makita o puro pangako lang rin ang ibalik sakin.

Nag email na po ako sa Singapore government nila, sa embassy nila dito Manila at embassy ng Phils sa Singapore. Pero wala pong reply yung iba. Nagreply lang po yung sa Singapore Embassy dito Pilipinas pero di nila ako matutulungan dahil friends matter daw po yun. E ang hinihingi ko pong tulong sakanila e kung ano po kayang dapat kong gawin para maka singil sa Singapore na legal at tamang proseso.

Sana po matulungan po ninyo ako. Pinag-ipunan ko po ang perang yon at di na sila naawa samin dahil sinamantala po nila na may pera kaming nakatabi.

Lubos po akong nagpapasalamat sa pagbasa at pag intindi po sa suliranin namin.
Aasa po ako sa legal nyong payo para po makagawa po ako ng action na nasa proseso at legal.

Maraming Salamat po.

Alvin.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum