good afternoon po. tatanong ko lang po sana kung ano ang dapat namin gawin. kasi last saturday, ung ate at tita ko pumunta sa mall.yung ate ko, nagcr siya. eh yung cr, sira yung pintuan.. walang lock. sa pagaakalang walang tao sa loob, tinluka ng ate ko ang pinto without knowing may tao pala sa loob. natamaan at naumpog ang babae sa pintuan. pinagmumura niya ang ate ko at sinabi na pa x-ray daw siya. sa kagustuhan na wala ng gulo, ginawa un ng ate ko. ngayon po, nanggugulo pa po yung babae. sinasabi po niya na nagsusuka daw siya tapos tumataas ang BP. ano po ang dapat naming gawin? hindi naman po kasi sinasadya ng ate ko yun dahil wala namang alam. di pa rin po nakakausap yng management ng mall. napeperwisyo na po kami dun sa babae.
salamat po.