Tanong ko lang po kung naka saad ba sa batas yung pag iistorbo sa mga residente sa dis oras ng gabi?
May burger stand po kasi na malapit sa bahay namen at kapag gabi na, mga bandang 10pm to 2am, ang daming tumatambay dun sa burger stand kahit sarado na ito. Ang ingay ingay at nag iinuman pa. Hindi po kami masyadong makatulog lalo na ang nanay ko na may sakit na highblood.
Nag sumbong na kami sa barangay pero wala pong nangyari. Mga tamad po kasi ang mga tanod dito.
Pwede po ba ko magsumbong sa pulisya?
Sana po sagutin nyo po ang aking tanong. Thank you and more power to pinoylawyer