Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Help poh problema sa TCT under PD 27

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Help poh problema sa TCT under PD 27 Empty Help poh problema sa TCT under PD 27 Wed Nov 21, 2012 9:50 am

randy2012


Arresto Menor

Yung Transfer of Certificate of Title po kasi ng lolo ko mayroong pong Annotation "There is no Certificate of Land Transfer received from MARO in favor of the farmer beneficiary" tapos dun po sa MEMORANDUM OF ENCUMBRANCES may annotation po na encumbrance sa LBP ... pero may Deed of Transfer po kami na napanghahawakan na Direct payment scheme po... na naka pirma yung landowner saka yung farmer beneficiary at wala na pong balanced.. at mayron na poh siyang notaryo.. ang tagal na po kisi nito 1987 pa. Ngayun lang poh namin nalaman kasi po ang boong akala ng lolo lola ay paid na wala nang babayaran.. Ano po ang maari naming gawin kasi gusto na sana ng parents ko na ipangalan sa magkakapatid na anak ng Farmer Benificiary.. yung tatay ko po yung panganay tapos yung lolo ko po ibinigay na po yung lupa bago siya namatay sa anak niya itinuro sa bawat isa kung hanggang saan yung kanilang parte... verbal lang poh wala pong pinirmahan.. thanks po sa pagbibigay ng time ng pagbasa... Any advice po pls..

p.s.
Nagpunta na po pala kami sa DAR yung sabi po nong sa MARO titingnan daw po niya sa taas kong ano yung kalagayan bagohan daw po siya don sa office naguguluhan din poh siya kong bakit encumbrance sa LBP na direct payment scheme yong Deed of Transfer... tama poh ba yon pinaghihintay kami ng 2 weeks.. di po kaya sa kanila yung may problema..

2Help poh problema sa TCT under PD 27 Empty Re: Help poh problema sa TCT under PD 27 Wed Nov 21, 2012 10:59 am

taxconsultantdavao


Reclusion Perpetua



bago ko sagutin ang tanung mo, puwede ako magtanong sa iyo? ano pala ang pagkaka intindi mo sa mga sumusunod:

1. ano ba ang DEED OF TRANSFER SA IYO IF ANG PINAG UUSAPAN IS CARPABLE PROPERTIES? ANO BA ANG PAGKA INTINDI MO SA DIRECT PAYMENT SCHEME?

2. ANO SA TINGIN MO ANG KINALAMAN NG LBP SA TRANSACTION NA ITO? BAKIT KAYA ME ENCUMBERANCE sa titulo mismo?

3. bakit walang nareceive ang MARO na deed of transfer na pinirmahan ang landowner at beneficiary? kasi baka ang problema lang ninyo is hindi niyo nasubmit iyan. meron man kaya kayo notarized document na pirmado ng landowner.

bago ko sagutin iyan, puwede sagutin mo muna tanong ko? then after ako magbigay ng observation, ilapit mo ito sa MARO. KASI MADALI LANG IYANG PROBLEMA MO. PUWEDE IKAW LANG ANG MAGPROCESS NITO AT HINDI NA KAILANGAN IDAAN SA ABOGADO. MAGPAGUIDE KA LANG SA MGA TAGA DAR AT LANDBANK (WITH REGARDS SA ANNOTATION).

3Help poh problema sa TCT under PD 27 Empty Re: Help poh problema sa TCT under PD 27 Thu Nov 22, 2012 9:03 am

randy2012


Arresto Menor

Sorry po late ang reply....

1. ano ba ang DEED OF TRANSFER SA IYO IF ANG PINAG UUSAPAN IS CARPABLE PROPERTIES? ANO BA ANG PAGKA INTINDI MO SA DIRECT PAYMENT SCHEME?

---Deed of Transfer Under P.D. 27 yung pagka intindi ko ay kasulatan/kasunduan na ilinilipat ng may ari ang parcel of Land sa Farmer Beneficiary under the following conditions...
---Ano po pala ang CARPABLE PROPERTIES? di ko po kc alam ang ibig sabihin niyan.

--- Direct Payment Scheme ---- Panukalang direktang pagbabayad maaring gawin sa salapi o anumang kauri nito sa ilalim ng pinagkasunduan ng magkabilang panig

2. ANO SA TINGIN MO ANG KINALAMAN NG LBP SA TRANSACTION NA ITO? BAKIT KAYA ME ENCUMBERANCE sa titulo mismo?

---Siguro po dahil wala silang nakita na pinirmahan ng Landowner na "Direct Payment Scheme" yung pinagkasunduan.. naging beneficiary poh kc ang lolo ko sa (CARP)Comprehensive Agrarian Reform Program

ito po pala yung completong detalye nakalagay doon sa Annotation.

--------------------------------------------------------------------------------
ANNOTATION
The farm/home lot described in this emancipation Patent is encumbered in favor of :__________LBP_________________
LBP Landowner
to ensure full payment ot its value under PD27/LO1705 by the farmer beneficiary name herein.
Date: Feb 16, 1987
__________________________
MAR District Officer
--------------------------------------------------------------------------------

3. bakit walang nareceive ang MARO na deed of transfer na pinirmahan ang landowner at beneficiary? kasi baka ang problema lang ninyo is hindi niyo nasubmit iyan. meron man kaya kayo notarized document na pirmado ng landowner.

---siguro hindi na submit paka pirma ng landowner itinago na siguro ng lola ko yung papel kasi di naman siguro hiningi sa kanya ng office ng MARO... pano po pala kong di yan na submit pwede pa kaya i submit yan?

yung nakalagay po dun sa titulo na annotation naka typewriter
--------------------------------------------------------------------------------
ANNOTATION
There is no Certificate of Land Transfer RECEIVED FROM MARRO/MARCO
in favor of farmer benificiary, Name of FB to date.

Feb 16 1987
Date ____Name__________
District Officer
--------------------------------------------------------------------------------

"paki correct na lang po ako kung mali ang pagkaka intindi ko..." thanks poh

NASA BABA POH PALA YUNG MGA PICTURES.....








[img]Help poh problema sa TCT under PD 27 74799421.th Help poh problema sa TCT under PD 27 55442028.th Help poh problema sa TCT under PD 27 51554859.th Help poh problema sa TCT under PD 27 84183077.th Help poh problema sa TCT under PD 27 19515008.th[/img]

4Help poh problema sa TCT under PD 27 Empty Re: Help poh problema sa TCT under PD 27 Mon Nov 26, 2012 10:46 am

randy2012


Arresto Menor

Rephrase ko na lang poh ang tanung ko!!!

Basi sa Deed of Transfer under P.D. 27 na aming hawak anu kaya may utang pa ba kami sa Landowner o sa LBP... sabi kc noon ng grandmother ko nung pinirmahan to ng Landowner nasa Deathbed na yung Landowner saka yung nag-iisang niyang anak na ona nang namatay sumunod yung asawa niya tapos yung land owner na... Crying or Very sad

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum