Magandang araw po. Gusto ko lang po sana ibahagi ang sitwasyon namin ngayon ng magulang ko sa previous landlord namin. May problema po sa tuhod ang nanay ko at ang apartment unit na aming nirentahan ay nasa ikalawang palapag. Napagkasunduan po nila na kung sakaling hindi kayanin ng tuhod ng nanay ko ang akyat baba sa hagdan ay baka kailanganin naming lumipat at pumayag naman po yung may-ari. Pumirma po ng kontrata ang nanay ko at mukhang ok naman lahat. 8,000 pesos po ang isang buwang renta at nagbigay kami ng 32,000 pesos dahil hiningan po kami ng 3 buwan na downpayment at 1 buwan na advance.
Pagkatapos po ng anim na buwan, nakahanap po kami ng malilipatan na mas ok para sa condition ng nanay ko. Nagbigay po kami ng abiso sa may-ari 2 weeks bago kami umalis na kami ay lilipat na at mukhang ok naman po sa kanya ang lahat. Tinanong po namin siya kung maari na po ba namin makuha yung downpayment at sinabi po niya na tsaka na lang namin pagusapan pag na-inspect na nya yung unit.
Ngayon po na nakalipat na kami, sinubukan po ulit naming tawagan at kunin ang downpayment pero nagiba na po ang tono niya, wala pa daw po sa kalahati ang makukuha namin sa downpayment na 24,000 dahil hindi namin natapos ang isang taon na upa at kung tutuusin daw po at wala daw po kaming dapat makuha. Naawa na lang daw po siya. At tinakot pa kami ng dadalin sa korte kung magrereklamo pa kami.
Nabasa po ko pa Rent control act na hanggang dalawang buwan na downpayment lang po ang maaaring singilin ng nagpapaupa. Hindi po ba may mali sa side ng landlord dahil una, pumayag naman po siya bago kami umupa at aware siya sa condition ng nanay ko. Pangalawa, hindi po ba labag sa batas ang pag singil niya ng 3 buwan na paunang bayad?
Maraming salamat po sa kahit anong tulong na mabibigay nyo.
Umaasa,
Reyna