Ano'ng askyon ang maipapayo n'yo sa sitwasyon ko.
Kapag umuulan, may tagas ng tubig-ulan sa dingding condominium unit ko. habang tumatagal, lumalakas sya. to a point na naglalatag na kami ng plastic upang masalo ito kasi it direct falls on my bed.
Nireport ko na ito noong 2009. Pero hanggang ngayon wala pa rin aksyon ang administrator. Nangangako sila ng remedy, pero walang natutupad.
Nitong 2012, nirekomenda ng dating engineer nila ang mga karpintero na magtatapal sa diumano'y crack sa labas ng building ngunit kami daw ang magbabayad. nagshare ako ng 1,500.00 para matapos na. ngunit, kinagabihan din, umulan at muling tumagas.
Hindi ko alam kung may karapatan akong magdemand at kanino. Nauubos na ang pasensya ko. Bwan-bwan akong nagbabayad ng 1,150 as monthly dues pero parang hindi naman nila pinopondohan ang ganitong problema sa common areas.
Ano po ang dapat kong gawin?