Nakiusap po ang kalapit bahay namin na maglagay ng pansamantalang pinto at daanan sa lupang nasasakupan namin at nangakong ibabalik sa oras na pagkalooban sila ng meralco ng kuntador na nakabukod sa kanilang tindahan. Dahil sa pagtitiwala, wala ng kasulatan ang nilagdaan sa pagitan namin at ng mga humiram ukol sa pagbabalikng nasabing lupa. Makaraan ang mahigit isang taong pakikinabang sa nasabing daanan, tumanggi na silang isauli ito sa amin at iginigiit na sa hindi agad nila nalaman na sila pala raw ang nakakasakop talaga sa pag aaring iyon na nabili nila sa aking tiyo na original na may ari nito.
pero gaya ng nabanggit sa unahan ng mensaheng nito,inamin nilang hiniram nila ang daanan sa amin at sa barangay.
Sa ngayon ayaw nilang tahasang ibalik ang lupang pinalagyan pa nilang pinto at gate na walang pahintulot mula sa amin,at iginiit na kanila ang
lupang ito
Ano poang pinakamainam na paraan ng pagreresolba sa mga isyung ganito? Sapat na bang basehan ang sukat sa oja na hawak ng parehong partido gayong alamnatin na lahat ng nakasad dito ay rough estimate lamang?
Umaasa sa inyong tugon...