Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Inangkin na lupa

3 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Inangkin na lupa Empty Inangkin na lupa Tue May 30, 2017 7:10 pm

gemmarufin


Arresto Menor

Hi hingi lang po sana ako ng advice,
about po sa property ng parents ko na inangkin na ng mga auntie ko sa side ng tatay ko. kasi ganito po yung nangyari dun, may kapatid po ang father ko na parehas matandang dalaga ang kanyang bunso na kapatid at ang pangalawa nyang kapatid nakiusap sila na magtayo ng bahay sa tabi ng bahay pumayag naman po ang father
ko kasi nga po kapatid nya yun at matandang dalaga parehas.
Nagpatayo sila nung bahay since 1998 kami since birth dun na kami nakatira. pinapalabas po kasi nila na sila ang nauna dun.Hiniram ng auntie ko yung hawak namin na tagging na lupa o rights ng lupa sa nanay ko kasi magloloan daw para
mapaayos yung bahay nila na pinatayo yun po pala ginagawan na nila ng paraan na mapalipat sa auntie ko yung lupa pinapagawan na nila ng titulo. Since naayos yung bahay nila dun ang tumira po dun ay pamangkin nya at asawa nito.

simula po ng stroke tatay ko dun na po lumabas ang tunay nilang plano kala namin concern yun pala may  balak na po sila angkinin ang lupa ng father ko, kinuha nila yung mga id ng tatay ko sa baul (sss id at senior citizen ) dun na po nagstart na paalisin kami humanda daw po kami yun po pala nagawan na ng paraan mailipat ng
auntie ko yung lupa sa pangalan nya. dahil sa waiver na ginawa nila. di po namin malakad lakad po yun kasi wala naman po kami pera. nagkasakit pa po ang mother namin kaya di agad namin napaglaban kasi need na sya bantayan.
sa ngayon po patay na parehas ang parents namin pinapaalis kami ng mga tita namin sa bahay.

Ang tanong ko po:
1. Paano po kaya nailipat ng mga kapatid ni Tatay sa pangalan nila ang titulo, wala naman po pinipirmahan na deed of sale. May posibilidad po kaya na na forged nila pirma ni Tatay?

2. May karapatan pa po kaya kami mga anak nya sa lupa ni Tatay na naiwan at nailipat sa mga kapatid ang pangalan ng titulo? May laban po kaya kami?

3. Ano po kaya ang unang step na gagawin namin para mabawi po ang lupain ni Tatay sa mga kapatid nya?kahit di po kasal ang mga parents namin.


Sana po ay mabigyan niyo kami ng payo kung ano ang aming tamang gagawin. Maraming salamat po! GODBLESS you Smile



Last edited by gemmarufin on Wed May 31, 2017 12:39 pm; edited 2 times in total

2Inangkin na lupa Empty Re: Inangkin na lupa Tue May 30, 2017 8:15 pm

Jadis

Jadis
Reclusion Perpetua

Magulo ang kwento mo.

Kanino na nakapangalan ang titulo?

Kasal ba ang mga magulang mo?

Anong taon kinasal ang magulang mo?

Minana ba ng tatay mo yung lupa?

3Inangkin na lupa Empty Re: Inangkin na lupa Wed May 31, 2017 12:05 pm

gemmarufin


Arresto Menor

hi po. di po kasal ang parents namin, naka pangalan po yun sa fahter ko. na award po yung lupa sa name ng father ko, di nya po yun namana sa parents nya sa knya po mismo yun.
kasi ganito po yun napagawan ng waiver ng tita ko yung lupa namin, sa tingin po namin dinaya po yung pirma ng father ko kasi sa nakita namin sa waiver yung pirma po na nauna eh name ng tita ko bago pirma ng tatay ko. nito lang pong month na ito pinabrgy ng tita ko kami nakalagay po dun eh ayaw daw po umalis sa bahay. pano po ba gagawin namin ng ate ko sa ngaun po kasi i cocourt na daw po ng tita namin. may laban po ba kmi?

4Inangkin na lupa Empty Re: Inangkin na lupa Wed May 31, 2017 1:33 pm

Jadis

Jadis
Reclusion Perpetua

Wala namang kinalaman ang posisyon ng pirma sa pagkapeke o pagkatotoo nito.

Kumuha kayo ng orihinal na kopya ng waiver na sinasabi mo at ipa-eksamen ninyo sa NBI kung peke nga ba talaga ang pirma.

5Inangkin na lupa Empty Re: Inangkin na lupa Wed May 31, 2017 4:44 pm

gemmarufin


Arresto Menor

ah ok, dadalhin namin sa NBI yung waiver together with the sign of my father?
pero may laban po ba kami sa kanila?

6Inangkin na lupa Empty Re: Inangkin na lupa Wed May 31, 2017 8:03 pm

Jadis

Jadis
Reclusion Perpetua

Magkakalaban ka lang kung mapatunayan mo na peke ang pirma ng tatay mo.

Kayo ba ang nakatira sa lupa ngayon?

7Inangkin na lupa Empty Re: Inangkin na lupa Thu Jun 01, 2017 10:26 am

gemmarufin


Arresto Menor

opo kami ang nakatira sa kalahati tapos sila sa kalahating lupa bale magkapitbahay po kami.
ibig sabihin po ba na wala kami pwede i kaso sa kanila kung halimbawa wala yung waiver?
pwede po ba yun na isalin ng father namin sa kanila yung lupa kaysa sa mga anak nya?

8Inangkin na lupa Empty Re: Inangkin na lupa Thu Jun 01, 2017 5:39 pm

Jadis

Jadis
Reclusion Perpetua

Your father had the right to dispose of his property by way of sale while he was alive.

However, for donations he should have reserved properties for himself and for the legitime of his heirs. You could ask for the reduction or revocation of the donation.

Again you would need a lawyer to do that for you.

Hindi lang pwede sa Google o dito sa forum na ito.

9Inangkin na lupa Empty Re: Inangkin na lupa Thu Jun 01, 2017 6:56 pm

gemmarufin


Arresto Menor

i know Madam, gusto ko lang po sana humingi ng advice kasi di po namin alam ng ate ko
kung ano ang unang gagawin. Alam naman po namin na need ng atty po talaga sa ganitong case
nakita ko lang po kasi tong site na to kaya nagtry lang po ako humingi nga advice.
atleast po may alam na kami kahit papaano at makakabawas na po kahit ng unting stress sa aming
magkapatid. Maraming salamat po sa inyong payo. Godbless you po.

10Inangkin na lupa Empty Re: Inangkin na lupa Thu Jun 01, 2017 7:25 pm

Jadis

Jadis
Reclusion Perpetua

The advice given here might vary from the one you will receive from the lawyer that you hire, upon a full appraisal of all the facts. There might have been something that you left out here, or that you did not mention because you did not think it was important.

11Inangkin na lupa Empty Re: Inangkin na lupa Thu Jun 01, 2017 8:54 pm

gemmarufin


Arresto Menor

Yes Madam, di ko nasabi lahat ng details kasi po masyado mahaba, by the way Madam
thank you so much i appreciate your advice. nakatulong parin po kayo sa amin ng sister ko.
Now i know kung ano na po ang uunahin namin gawin
ng sister ko.

12Inangkin na lupa Empty Re: Inangkin na lupa Thu Jun 01, 2017 9:03 pm

gemmarufin


Arresto Menor

Pwede po ba namin ilapit sa PAO yung case namin?

13Inangkin na lupa Empty Re: Inangkin na lupa Thu Jun 01, 2017 9:14 pm

Jadis

Jadis
Reclusion Perpetua

Yes, but there are requirements before you qualify for PAO service. One of them is proof of your indigence.

14Inangkin na lupa Empty Re: Inangkin na lupa Fri Jun 02, 2017 2:58 pm

gemmarufin


Arresto Menor

Ok Atty. thank you so much.

15Inangkin na lupa Empty Re: Inangkin na lupa Wed Jul 12, 2017 6:28 pm

LeoMar62


Arresto Menor

Mam Jadis, isn't it that PAO only handle criminal cases of indigents and not civil cases such as land or inheritance disputes ?

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum