1. Yung mga kapatid po ng mom ko, sinisisi yung mom ko na bakit binenta yung lupa, ng hindi pinapaalam sa knila. Namatay na yung ibang mga kapatid nya at 3 nalang silang natitira. Pero they're still bugging my mom, about it. Saying hurtful words, accusing her and all. Ngayon, pinagbabantaan sya ng mga kapatid nya na idedemenda daw sya pag hindi sya umuwi ng La Union para ayusin yung problema sa lupa. Ang tanong ko, may laban ba yung mom ko in case na mag file sila against her? Hindi po ba na blackmailing yung ginagawa nila sa mom ko? Sa totoo lang po ilang beses na bumalik dun mom ko para makipag areglo dun sa aunt nya na umangkin sa buong lupa. Madami na ding pera ang nasayang pero wala pa ding usad. Saka po nung lumipat kami ng Maynila ay hindi naman maginhawa ang buhay namen. Alam nila yun.
2. Ano po ba maaaring gawin ng mom ko para maayos yung aberya na nangyari sa lupa? Naaawa ako sa mom ko kasi nahihirapan sya sa kondisyon nya, may sakit sa puso, at hangga't maaari bawal sya bumyahe ng malayo. Hindi naman alam ng mom ko na lolokohin sya ng Aunt nya ng dahil sa minor error na yun, naging sakim Aunt nya.
3. Lumapit na sila sa public attorney para iusad yung problema sa lupa, nagbigay na din ako ng tulong, pero pakiramdam ko walang nangyayari at natatapon lang yung perang itinulong ko sa knila. Pakiramdam ko po nag te-take advantage yung hiningan nila ng tulong kasi tatakbo ata yun na mayor o congressman.
4. Kahit madaling araw, kinukulit nila mom ko tinatawagan, pag hindi sinagot ng mom ko tawag nila, itetext sya ng itetext buong araw at pinag babantaan. Ngayon, naapektuhan yung kalusugan ng mom ko kasi hindi sya nakakatulog sa gabi, at sobrang stress, nahihirapan puso nya. Sabi ng mom ko, tatlo nalang nga daw silang natitirang magkakapatid tapos ganun pa daw nangyayari. Ang kinakatakot ko po. Sa kakapush nila sa mom ko, baka mag suicide ang mom ko. Nag attempt na po kasi mom ko noon.
5. Sinabi sa kanya ng mga kapatid nya na pabalik balik daw dun yung Aunt nila na pinagbentahan nya ng lupa at pinapaalis yung mga kapatid nya dun sa property. Pinapatayuan kasi nila ng bahay yung dun sa kalahati ng lupa. Ang tanong ko po may karapatan po ba sila dun sa lupa na yun? Na ang pinanghahawakan lang nila eh dun sila lumaki at nagkaisip? Na nung binenta ng mom ko yung property, sa kanya nakapangalan yung lupa at hindi sa knila.
6. May laban po ba yung mom ko against her Aunt kahit na matagal na yung problema sa lupa? Mababawi pa ba namin yung kalahati ng property? Hindi naman kalakihan yung property pero pinag aagawan kasi ng mga kapatid ng mom ko saka ng Aunt nila yung lupa na yun. According to her after she got cheated on that contract, her Aunt still continues her modus. Marami na daw naloko yung aunt nya at wala man lang atang nag lakas loob na lumaban sa kanya at mag sampa ng kaso. Yumaman yung Aunt nya sa panloloko.
Nahihirapan din po ako kasi andito ako sa malayo, at wala sa tabi ng mom ko para damayan sya. Sana po matulungan nyo ako kung anu po ba tamang gawin sa sitwasyon na ito. Sa tingin po kasi nila na porke andito ako sa abroad at nakapag asawa ng kano eh milyon milyon na ang pinapadala ko sa pinas. Nagtatrabaho po ako dito as Nursing Assistant. Hindi din kalakihan ang kinikita ko. Nag papaaral din po ako ng mga kapatid ko. Tumutulong din ako sa asawa ko sa mga gastusin dito. Kahit anung paliwanag ko po sa mga kapatid ng mom ko. Sarado na isip nila at kakasuhan daw nila mom ko pag hindi naayos yung problema sa lupa.