Taon 1953 ang nasabing lupain ay sinimulan nang bugtain ng mga tao sa pamamagitan ng pag-ho-homested, isa narin ditto ang aming magulang, taon 1954 sinadya n gating dating pangulong Ramon Magsaysay an gaming lugar upang ideklarang i-release na sa mga tao ang mga lupang sinasaka. Hindi naglaon sa taon ding 1954, nagpadala ang pamahalaan ng mga tauhan ng Bureau of Land upang sukatin ang mga kanya-kanyang lupang binugta. Sa pagsusukat ng kanya-kanya, ang bawat loteng nasukatan ay may lot number na nakalagay na makikita sa kabuuan ng mapa.
Taon 1955 ang mga tao na nagapply ng “Sales Application Form” ay napadalhan ng “Order Award” na makikita rito at mababasa ang mga nakatalang numero – ang lot number at sukat ng laki ng lupang binugta.
Pagkalipas ng maraming taon, mula noong 1955 hanggang ang lugar ay maging isang ganap ng barangay. Ang mga taong nakatanggap ng titulo ay naging panatag ang loob, samantalang ang iba’y hindi kuntento sa kanilang pinanghahawakang “Order Award” na dokumento.
May ilang dekada pa ang lumipas ang mga lihitimong nagbugta ay unti-unti ng nawawala. Ang tanging mga tagapag-mana na lamang ang nangangasiwa sa mga bayarin ng buwis sa lupa, Tulad ng sa aming minanang lupang sa pag-aakala namin na ang ibinubuwis o binabayarang amilyar ay ang kabuoang laki na may sukat na 9,000 sqm(Lot No.161), ngunit natuklasan namin na hindi pala lahat ng aming minana na may Lot No.161 ay walang pagkakamali sa sukat at paglalagay ng lot number.
Natuklasan din namin na noong kami’y magdesisyong magkakapatid na ang nasabing lupa ay amin ng partihin, lumalabas sa pagkakasukat na ang kabaak lamang ng kabuoan ang aming naparte na may sukat na 2,672 sqm-Lot No. 161 at ang kabaak/Kalahati na naiwan sa partihan ay hindi namin maaaring partihin dahil iba ang lot number na may Lot No.160, ang loteng nagmamay-ari nito ay ang aming kaboundary.
Kung kaya po sa ngayon ang mga anak ng aming kahanggan na siya ring tagapag mana ay pilit na kinukuha sa amin ang kabaak na lote na sa kanilang katwiran ay hindi maaaring maging amin yung lote dahil nakakabit sa kanilang titulo ang Lot No. 160 at kung ito’y susuriin ang Lot No. 160 ay lumalampas na sa aming matandang hangganan at ito’y humahanggan sa Lot. No 161 na kabaak ng aming lupang pinarti.
Dahil po dito sa aming problemang kinakaharap amin nap o itong isinangguni sa dalawang ahensya ng pamahalaan, gaya ng DAR ngunit ang kanilang naging tugon ay hindi raw po saklaw ng ahensya ang usapin tungkol sa boundary dispute at sa DENR, ngunit wala namang nakitang Technical Description ng hawak naming Order Award na may sukat na 9,000 sqm.
Kung sakali ang inyo pong magiging payo ay marami matutulungan na ganito rin ang naging kaso tulad ng sa aming kaso sa lupang my mga maling sukat na naging sanhi ng pagiging “over lapping”.
Marami pong salamat sa magiging payo ninyo.
P.S
Meron pa kaming ilang dokumento na hawak bukod sa Order Award gaya ng kasunduan na nakasaad kung saan ang hangganan, palibot ng bakod na tanim na langka na ngayon ay makikita padin at malalaki na. Ito ay pirmado ng Tatay ko, Tatay nila at isa pang kaboundary sa harap ng Notary Public.