Ito pong kasulatang ito ay inpormal po at hindi nanotarize, pero pirmado po nila pareho. Sa madaling sabi, nagpatayo ng temporary house dun ang pamangkin nya. Lumipas po ang panahon, naisipan ni nanay na bawiin na yung lupa pero sabi po ni kuya ay huwag muna dahil nung panahon na yun ay gipit pa yung pinsan namin at walang malilipatan.
Unti-unti na pong nagpatayo ng bahay yung pamangkin ni nanay nung nagkapera. Nung kinausap po nya dahil nga pinapalaki na ang bahay, sabi ng pamangkin e may mga resibo naman po sila na magpapatunay sa ginastos nila sa bahay at ipapareimburse na lang kay nanay. Nung panahon na yun ay wala pang pera si nanay para mabayaran yun.
Ngayon po ay pinapalaki pa nila lalo ang bahay. Maari po bang gumawa ng kasulatan kung saan may nakasaad kung hanggang magkano lang ang gustong bayaran ng may-ari ng lupa at ang sobra dun ay kargo na ng pamangkin ni nanay? Ligal po ba ito?
Kawawa naman po si nanay kasi tumatanda na sya at baka lalo lang lumaki ang gagastusin nya para lang mabawi yung lupa. Wala po syang planong ibenta yun dahil ibibigay daw nya po yun kay kuya. Patulong naman po. Maraming salamat!