Attorney, mayroon po kaming nabiling lupa pero sa ngayon po ay may nakatira pa. Hindi po yung dating may-ari ang nakatira kundi kakilala lamang ng may-ari. Pinatira sila dahil wala pa namang gumagamit ng lupa. Nung nabili na po namin, hindi po namin agad pinaalis dahil hindi pa po namin magagamit ang lupa. Ngayong gusto na po namin silang paalisin, ano po ang mga legal actions na pwede namin gawin para mapa evict sila sa aming lupa?
Yung dati pong may-ari, matagal na silang sinabihan na maghanap na ng lilipatan dahil anytime ay maibebenta na nila ang lupa. Mahigit isang taon na din po ang lumipas mula nang una namin silang nilapitan para sabihan na maghanap ng malilipatan dahil gagamitin na namin ang lupa. Napaabot na po namin sa barangay ang probelama ngunit hindi pa din sila napapaalis.
Madaming salamat!