nagpatayo po ng maliit na bahay doon ang pinsan nya na unti unti naman nitong pinalaki. bago po dito nagkaroon sila ng kasulatan na "caretaker" lamang ang status ng pinsan nya at kung ano man ang naidagdag nito istraktura ay babyaran ng kaibigan ko. ito po ay dahil wala pang matirhan yung pinsan nya at wala pa sa budget ng kaibigan ko ang magpatayo ng bahay doon. ang agreement yata nila ay temporary lamang na pagtira doon nung pinsan nya. meron hong panahon na gusto nang ioccupy ng kaibigan ko ang lote pero dahil wala pang malipatan ang pinsan nya, hinayaan na lang nya muna.
Lumipas po ang mga taon, hindi na po napagpatayuan ng kaibigan ko ang lote dahil kulang sa pinansiyal. ang nangyari po ay pinaimprove pa po ng pinsan nya ang bahay nito. ang tanong nya po, ano po ba ang maari nyang gawin para po maproteksiyunan din po ang karapatan nya? ang usapan po ksi ay temporary lamang ang ipapatayong istraktura nung pinsan nya pero ang nangyari ay naging permanente na ito.
sa kasulatan/agreement po nila ay nakasaad na babayaran ng kaibigan ko ang anumang nagastos dun sa lote pero dahil nga ho pinapalaki ang bahay ay mukha raw pong hindi nya na kayanin ang cost. maaari po ba na gumawa sila ng bagong kasulatan na kung saan nakasaad na babayaran nya ang specific na amount, halimbawa 150,000 pero iyun lamang ang limit at kung ano pang naidagdag na ginastos dito bunga ng pagpapaimprove ng bahay ay kargo na ng pinsan nya? legal po ba ito? ayaw din po nya na masaktan ang pinsan nya dahil mabuti naman daw ang relasyon nila pero nagtaka lang dw sya at pinalaki nang pinalaki ang bahay na pinatayo sa lupa gayong hindi naman ang pinsan nya ang may-ari. sabi ko nga ho sa kanya maaaring inaabuso ng pinsan nya ang kabaitan nya at dahil na rin sa kasunduan na magbabayad sya.
Titulado po ang lupa sa pangalan ng kaibigan ko at wala pong renta syang sinisingil sa pinsan nya sa paggamit ng lupa dahil nga tulong na lang daw nya yun. hindi ho kasi nya akalain na magkakaroon sya ng problemang pinansiyal ngayon kaya noon ay naisipan nya na tulungan muna ang pinsan nya. hindi rin daw nya naisip na gagawin ng pinsan nya iyon.
sana po ay matulungan nyo ang kaibigan ko. marami pong salamat sa advice.