noong namatay ang lolo at lola ko naiwan po nila ang mga lupain sa pamamagitan ng toka or assign sa salita ( verbal ) sa kanila parin naka pangalan ang titulo ng lupa, namatay na po ang tatay ko ( kapatid ng tita ko ) at umalis kami sa lumang bahay dahil laging inaaway ng tita ko ang nanay ko.
umalis po kami kasama ang mga kapatid ko at matagal hindi nagpakita sa kanila, ito po ang tanong ko
naisanla po ng tita ko ang bahay at lupa namin sa sa lendeng sa bayan namin ng dalawang beses huli na namin nalaman na may nangyaring ganito, tama po ba ang nangyari na ito???
pangalawa po, ang lupa sa bundok na sinasabi na naka toka sa amin ng isang tito ko ay napagawan ng titulo ng tita ko na hinati sa tatlo, ang isang bahagi po ay sa akin naka pangalan, ang isa po ay sa tito ko at ang pangatlo ay sa anak ng tito ko, ( anak ng tito ko na kahati namin sa naka toka samin)
naipangalan po niya or naipahati po niya ang lupa )sa akin ng hindi ko alam at sinabi niya dati na yong isang tito ko na namatay na ang nag pirma para sa akin,
ang sa anak naman ng tito ko na kasama sa hati ng lupa ay dating 6year or 9years old pa lang nong time na yon, pero ang dineclare nya ay nasa legal age na, 12 po yata ang legal age para magka sariling titulo.
tama po ba ito, may karapatan po ba ang tita ko na mag desisyon ng ganito?
pasensya na po medyo mahaba maraming salamat po sana po ay mabigyan ninyo ng pansin salamat po