Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

BENTAHAN NG LUPA

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1BENTAHAN NG LUPA Empty BENTAHAN NG LUPA Sat Jul 22, 2017 2:10 pm

nammeneo


Arresto Menor

Attorney,

May nagbebenta pong lupa sa kuya ko yung parte nya na minana nya sa magulang. Kaya lang ang titulo ay nakapangalan pa sa magulang nila at hindi pa natransfer sa dalawang anak although patay na magulang nila. Ang gusto ng nagbebenta yung pagbebentahan ng lupa yun ang gagmitin nilang pera na manggagaling sa kuya ko para matransfer ang titulo sa kanila then saka ililipat sa pangalan ng kuya ko yung parte na binebenta na bibilihin ng kuya ko. Nagdodoubt lang ang kuya ko kung paano sya makakasiguro kung hindi sya lolokohin nung nagbebenta after maibigay nya yung perang pambayad. Ano po bang proof ang kailangan para makasiguradong na nagsasabing nagbayad na ang kuya ko kahit wala pa sa pangalan nya ang title ng lupa. dahil on the way pa ang proseso ng pagtransfer ng titulo sa pangalan ng nagbebenta. Bago pa matransfer sa kuya ko.

2BENTAHAN NG LUPA Empty Re: BENTAHAN NG LUPA Tue Sep 19, 2017 9:22 pm

karl704


Reclusion Temporal

Pwedeng mag pirmahan muna sila ng contract to sell kung saan nakalagay na nagbayad kuya mo ng ganitong halaga na para sa pagtransfer ng title sa mga anak at pag natapos iyon mabayaran ay babayaran naman ang balanse sa bentahan at pipirma naman ng deed of sale yung nagbebenta at ibibigay sa inyo yung original na titulo at lahat mga documento gaya ng galing sa BIR etc

Pwede ring extrajudicial settlement of estate with absolute sale ang pirmahan nila para derecho na sa kuya mo ang titulo.

Pero dapat nakapirma yung dalawang anak,kasi kung ayaw nung isang anak magbenta ng share niya kailangan pa ipa subdivide yung property sa dalawa para mag karoon sila ng tig isang titulo at maibenta yung isa.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum