Lupa po ito ng lolo at lola ko sa father's side (patay na pareho).
Tito ko ang nag-asikaso ng bentahan.
Nagbayad ang buyer ng 500,000.00 pesos bilang paunang bayad.
Yung nakakuha ng buyer ng lupa ay nakakuha na kaagad ng kanyang 40,000.00 pesos na komisyon.
Ang 500k na first payment ng buyer ay nasa tito ko dahil para daw ito sa mga bagay-bagay pa na aasikasuhin sa lupa.
Tig-3000 pesos lamang ang inabot niya sa apat pa niyang kapatid mula nang mangyari ang bayaran.
Pakiramdam ko po ay may mali sa mga nangyayari.
Masyado po kasi yatang matagal at bakit 3k palang ang binibigay niya, para namang lokohan.
At para din pong imposible na hindi pa fully paid ang lupa hanggang ngayon (mga 1.5M po ito).
2011 na ngayon.
Advice naman po kung ano po ang mga dapat gawin, o hagilaping papeles, o puntahan upang masiguro kung tama pa ba ang mga nangyayari sa bentahan ng lupa. Ayoko direktang kumonsulta sa tito ko dahil puro lang naman yun dahilan, hindi na ako naniniwala sa kanya.
Mapayuhan nyo po sana ako.
Maraming salamat po. :-)