Good day! hihingi lang po sana ng advise. may binili po kasing lupa ang magulang ko sa mga biyenan ko sa teresa, rizal about 5 years ago na po. gusto na po sana naming gawan ng negosyo. ang problema po, yung nakatirik na bahay sa lupa, yung nakatira po dun ay ayaw pong umalis. ang gusto nyang mangyari ay bayaran ang bahay na kanilang itinayo doon. ayon po sa biyenan ko, inuupahan po nila ang pagtira nila doon sa lupa dati pa! and about 10 or 11 years ago, nahinto ang pagbayad nila sa upa hanngang po sa ngayon. kinausap po namin ng maayos ang nakatira doon at hindi po sumang ayon sa aming pinag usapan na upahan na lang ulit ang pagtira sa lupa para pakinabangan. dahil sa ayaw nila, sinabi na po namin ang aming balak sa lupa na amin na lang gagawing negosyo. ang gusto nilang mangyari ay bayaran ang bahay na itinayo nila. napunta na po sa baranggay ang isyu subalit ayaw makipagtulungan nung nakatira doon sa lupa. gusto na po sana talaga naming tayuan ng negosyo dahil matagal na din pong walang pakinabang. ano po kaya ang magandang gawin namin? kasi po ang pagkakaalam ko po SQUATER na sila doon at wala silang karapatan sa lupa! NEED po ng advise para sa magandang gawin po! Salamat po!!!