Ganito po kasi yun. May isang residential lot (or compound) na pag-mamay-ari po ng lolo at lola ko. Ngayon patay na po yung lolo at lola ko, so yung compound po napamana na po sa mga anak (including my mother). Eh nung nabubuhay pa po yung lolo ko, may pinatira po siya na malayong kamag-anak dun sa part ng residential lot. Matagal na din po yun, hanggang sa nakapagpatayo na po ng bahay dun yung kamag-anak namin po na yun. Ngayon po gusto po nung magkakapatid (sila mommy) na paalisin na po yung pinatira nung lolo ko. Eh ayaw po umalis at sinasabi po eh pare-pareho daw po kaming squatters dun sa lupa, actually nga po, pinaparenovate pa nila yung bahay at maglalagay pa po ng driveway (meaning lalaki yung sasakupin nila). So siyempre po ayaw po yun ng mga magkakapatid. May titulo po na hawak sila mommy, hindi pa nga lang po natatransfer sa mga anak at nakapangalan parin po sa lolo at lola ko. Wala po kontrata ang lolo ko sa kanila po. Ni hindi nga po nagbabayad ng buwis sa lupa sila at sila mommy ko po ang yearly na nagbabayad.
Ano po ba magandang gawin para umalis na po sila?
Thank you sa mga sasagot!