Fifteen years ago po ay may nabili kaming rights sa isang lupa sa Veterans village at meron po kaming dokumento sa pagbili po namin nito. Five years ago po ay ipinarenta namin ito sa isang Chinese businessman at meron po kaming kontrata nito at notarized pa po ito. Kaso nga lang po ay dalawang taon na po siyang hindi nakakabayad at tapos na rin po ang kontrata namin itong buwan ng Pebrero. Ang problema po namin ay ayaw pong umalis noong caretaker na pinatira ng chinese sa lupa po namin at ang chinese po na ito ay hindi na rin po nakikipag communicate sa amin. Maraming beses na rin po naming pinuntahan yung chinese tinitirhan po niya pero palaging sinasabi na wala daw po siya sa bansa. Ano po ba ang tamang paraan na dapat po naming gawin para mapaalis na po sila sa lupa dahil nais na po naming gamitin yung lupa.
Free Legal Advice Philippines