Good morning po sir, may problema po ang kapitbahay ko at humihingi ng tulong kung paano niya mapapalis ang umuupa sa kanyang bahay.Ganito sir, ang senario,apat na buwan nang hindi nagbabayad ng upa sa bahay ang renter,kaya pinabarangay na niya.nang magkaharap sila sa barangay ay gumawa sila ng kasunduan na sa March 26 2013 ay aalis na sila.pumayag naman ang may-ari ng bahay.pero hanggang sa ngayon ay ayaw pa ring umalis,bumalik uli sa barangay ang complainant pero ayaw pumirma ang respondent.kaya sir ang ginawa po ng lupon ay gumawa po sila ng indorsement para sa PNP para mapalis ang respondent.tanong ko lang sir pupuwede po ba na sa PNP na agad iindosre ang kaso,sa pagkakaalam ko po ay dapat ay bigyan nila ng CFA ang complainant para ang korte na ang magpatupad ng pagpapaalis sa respondent.pupuwede rin po ba na ang barangay na ang mag paalis sa respondent,wala po bang malalabag na batas ang barangay kung sila na ang magpapaalis.ang sabi po ng complainant ay ii-lock niya ang bahay. maaari po ba yun.
sanasir mabigyan ninyo kami ng advice kung ano ang mabuting gawin ng walakaming malabag na batas.
maraming salamat po sa magiging payo ninyo
sanasir mabigyan ninyo kami ng advice kung ano ang mabuting gawin ng walakaming malabag na batas.
maraming salamat po sa magiging payo ninyo