Nagbenta po kami ng bahay pero hindi po natuloy dahil ayaw umalis ng tenant. Bago magbigay ng down payment ang buyer ipinatawag po ang mga nangupahan sa amin at lahat ay sumangayon na umalis sa palugit na ibinigay namin. Pero hindi po tumupad sa kasunduan ang tenant. Gusto po nila sila bumili ang bahay pero labag po iyon sa rules ng asosasyon dahil hindi sila miyembro. nagmatigas sila at napilitan kami mag-file ng ejectment case.
Sa huling hearing sa barangay sumang-ayon ang buyer na ibenta sa tenant ang bahay sa kondisyon ibabalik ang down payment pati 10% interest. inutang po nila sa 5-6 ang pera. 50,000 po ang down payment inabot po ng 2 months ang hearing hindi pa kasali ang palugit na 45 days. gusto ng buyer buong interes ay bayaran namin.
Tama po ba na kami ang magbayad ng interest kahit sinikap namin mapaalis yun tenant para makalipat sila sa bahay. Kung magshare po kami sa interest ilan percent po ang allowed ng batas.
Maraming salamat po sa inyong pagtugon.